Ang babaeng tulog sa umaga, gising sa gabi.
Pumasa ka nga, deserve mo naman ba?

Eto yung gustong-gusto kong ibato na tanong sa lahat ng ka-klase ko na pumasa sa lahat ng subject namin. 

Hindi ko maintindihan kung bakit yung mga laging late, walang ka-effort effort, mababa ang nakuha sa finals at puro pango-ngopya ang ginagawa sila pa yung pumapasa. Bakit? 

Ang sakit talaga. Daig pa ang na-heart broken sa tindi ng sakit. Yung nangongopya lang sakin, siya pa yung nakapasa. Tapos ako hindi? Tangina lang. Iba lang talaga kapag teacher’s pet. Kahit bumabagsak na sa exam pagdating ng deliberation pasado pa rin.

Siguro hindi lang ako ang naka experience ng ganito. Madami din sigurong katulad ko na naging biktima ng mga instructor/professor na may favoritism at hindi marunong magbigay ng grade in short UNFAIR. Siguro parte na ito ng buhay kolehiyo, may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado. Yung tipong mapapaiyak ka na lang dahil wala kang magawa at hindi mo maipaglaban yung side mo. 

Life can be unfair sometimes, but that’s no reason to give up on it.

Bakit ka pa bumalik,

kung iiwan mo lang din pala ako ulit.

Ambagal ng net, parang utak ko lang. -.-

       Ang hirap para talaga kapag 4th year na. Yung tipong wala ka ng oras kumain at matulog sa dami ng rereview-hin at requirements na sabay sabay pa ang deadline. Yung laging puyat kasi araw araw may exam. Yung tipong antok na antok ka na sa klase pero bawal matulog dahil pagkatapos ng lecture may post quiz pa. Yung tipong gusto ng bumigay ng katawan pero hindi pwede kasi may thesis na dapat mong tapusin. 

      Halos lahat ng fourth year nagkakasakit na. Sana naman makita ng mga instructors namin at maawa sila. Next week finals na naman. T.T

             So yeah, after 1378473840933 years ngayon lang ulit ako mag uupdate dito sa tumblr account ko. At uumpisahan ko yun syempre sa pagpapalit ng aking DP. Well, pagpasensyahan ang aking mukha ganyan na tlaga yan, wala ng igaganda pa. Parang ako lang yung nagmukhang background dyan at yung bote talaga yung kinunan. HAHA. This was taken last August 31 during our socialization. Di ko na alam kung sino ang kumuha neto at nakalimutan ko na din ang dahilan kung bakit ganyan na lang ang ngiti ko na akala mo di na sisikatan ng araw.
      Ahh basya magkukwento ako ng bonggang bongga sa mga susunod kong posts. :)) Lalo pa ngayon at madaming pangyayari sa aking buhay na dapat kong ilagay dito sa tumblr. 

Naiiyak na ako. Anhirap maghanap ng related literature para sa thesis namen.